Saturday, April 7, 2018

Paraiso Sa Cordillera by Lourdes Gomeyac Fangki

Lyrics:

Sa Bayan Ng Cordillera
Lungsod Namin Ay Nag-iisa
Katangi-tanging Pinagpala
Lungsod Ng Baguio'ng Sinisinta

O Baguio, Lungsod Ng Pino
Aking Luntian, Paraiso
Ang Lamig Mong Katutubo
Dulot Ay Ginhawa Sa Aking Puso

Sa Mga Mata Ninoman
Sagisag Ka Ng Kasaganaan
Banyaga Man O Kababayan
Nabibighani Sa 'Yong Kagandahan

Ang Landas Mong Paikot-ikot
Sa Dayuhan Ay Nagbibigay Takot
Ngunit Pag Tuntong Sa 'Yong Puso
Nadarama Ang Ka-amohan Mo

Masisisi Mo Kaya, O Baguio
Kung Marami Ang Maghangad Sa 'Yo
Umasa Ka Na Lang, O Baguio
Na Manatili Kang Paraiso

O Baguio, O Paraiso
Ang Himig Ko'y Laan Sa 'Yo
Kapayapaan Likas Sa 'Yo
Sana Ay Di Na Magbabago

O Baguio, Lungsod Ng Pino
Laging Luntiang Paraiso
Kahit Saan Makarating
Ang Aking Puso, Ang Puso Ko'y Sa 'Yo Pa Rin

No comments:

Post a Comment